Frequently Asked Questions

Ang Cash Agad ay isang serbisyo kung saan maaaring mag-perform ng iba’t-ibang banking transactions ang mga ATM cardholders sa mga Cash Agad partner agents gamit ang POS terminal.  Sa  Cash Agad, mas madali, mabilis, at ligtas na ang pagwi-withdraw sa mga lugar kung saan walang branch ng bangko at ATM. 

 Sa Cash Agad, pwede kang: 
  • Mag-withdraw ng cash
  • Mag-inquire ng balanse ng iyong account
     

Madali lang mag-withdraw via Cash Agad: 
Step 1: Pumunta sa suking tindahan o stores na may Cash Agad logo at i-abot ang ATM card.
Step 2: Sabihin kung magkano ang gusto mong i-withdraw.
Step 3: I-type mo ang iyong PIN sa POS terminal.
Step 4: Kunin ang cash at resibo.
 

Ganito mag-inquire ng balanse via Cash Agad: 
Step 1:  I-abot ang ATM card at sabihin na gusto mong mag-check ng balance.
Step 2: I-type ang iyong PIN sa POS terminal.
Step 3: Abangang ang pag-display ng balance sa POS terminal dahil wala itong printout na resibo.
 

Ang mga debit cards ng BancNet POS Cash-Out participating banks, kasama ang BDO Kabayan ATM Card, ay tatanggapin sa BDO Cash Agad POS terminal. Ang kumpletong listahan ng participating banks ay nasa BancNet website.
 

Philippine Peso denominations lamang ang pwede i-withdraw sa Cash Agad. 
 

May service fee na ibabawas sa laman ng ATM card ng customer sa bawat Cash Agad withdrawal. 
 

Ang service fee sa bawat transaction ay depende sa lokasyon ng partner agent. Ito ay maaaring magka-halaga mula ₱15 hanggang ₱50 bawat transaction.
 

Ang service fee ay automatic na ibinabawas sa laman ng ATM card mo sa bawat transaction. 

Halimbawa: 
Withdrawal Amount: ₱5,000 
Service fee: ₱30
Total amount to be deducted from the ATM card:  ₱5,030
 

Ito ay free of charge.
 

Ang maximum amount sa bawat withdrawal ay ₱10,000 o depende sa daily limit ng issuing bank ng customer o sa limit ng Cash Agad partner agent. 
 

Tumawag lamang sa iyong bangko para malaman ang iyong daily limit.
 

Para malaman kung ang suking tindahan, pawnshop, o rural bank ay isang Cash Agad partner, hanapin lang ang mga naka-display na Cash Agad tarpaulins, streamers, door signs, posters, at iba pa. 
 

Ang Cash Agad transactions ay secure dahil kailangang mong mag key-in ng PIN sa POS terminal o pinpad. Bawat transaction ay kailangan ng approval ng bangko.
 

Siguradong pribado ang iyong transactions dahil ikaw lamang ang makakakita ng iyong PIN, encrypted ang card number mo, at huling 4-digits lamang ang makikita sa iyong resibo.
 

Tumawag at i-report ito kaagad sa hotline ng iyong bangko. Makikita ang number na ito sa likod ng ATM card mo. 
 

Ang isang Cash Agad partner agent ay hindi maaring mag-refund sa iyo. Sa halip ay i-report kaagad sa iyong bangko ang insidente para maibalik ang na-debit na amount.
 

Video

Contact us

BDO Corporate Center

BDO Corporate Center:

7899 Makati Avenue Makati City 0726, Philippines Trunkline: (+632) 8840-7000

BDO Corporate Center

BDO Contact Center:

Hotline: (+632) 8888-0000

Outside Metro Manila

(PLDT/Globelines): #8888-0000

(For landline only, press # followed by 8888-0000)
 

International Toll-Free:

(IAC)+800-8-CALLBDO (2255-236)

(See list of IAC here)

BDO Corporate Center

callcenter@bdo.com.ph

This channel is dedicated to handling online banking enrollment and/or updating of registered online banking contact information of overseas clients. For phishing reports, please send the email to reportphish@bdo.com.ph.