BARO ACT FAQs
Generic
Ang Bayanihan to Recover as One Act (R.A.11494) or BARO Act ay isang batas na ang layunin ay ipagpatuloy ang iba’t ibang programa ng gobyerno para matulungan ang bansa na maka-recover mula sa COVID-19 crisis. Kabilang sa batas na ito ay ang pagbibigay ng relief sa loans. Ang mga bangko ay naatasang magbigay ng one-time 60-day grace period para sa mga qualified loans na dapat bayaran on or before December 31, 2020, nang walang dagdag na late payment, interest on interest at charges. Alinsunod dito ang pag extend ng loan maturity hanggang sixty (60) days.
Ang mga existing loan at credit card accounts in CURRENT status (hindi past due) bago mag September 15, 2020 ay qualified na mag-avail ng one-time 60-day grace period.
Hindi mo na kailangang mag-advise sa bangko. Ituloy mo lang ang pagbayad ng dues para sa iyong loan o credit card on or before your due date. Kung naka-enroll ka sa Auto Debit Arrangement (ADA) o nag issue ng mga Post-Dated Checks (PDC), siguraduhin lang na sapat ang funds ng iyong account bago ang iyong due date.
Ang mga qualified clients ay makakatanggap ng SMS at email sa kanilang registered mobile number at email address sa record ng Bangko.
Paalala lamang na ang BARO Act grace period ay one-time, simula sa iyong concerned due date plus 60 days. During the grace period, walang dagdag na interest on interest, penalty fees at iba pang charges para sa late payment. Alalahanin lamang na pagtapos ng grace period, kailangan mong ituloy ang pagbayad ng iyong monthly amortization na may kasamang accrued interest na resulta ng hindi paggalaw ng iyong loan outstanding balances for 60 days.
Para sa Home, Auto, SME and Personal Loans, mag-reply ng YES PN XXXXXXXXXXXX. Para sa Credit Cards, mag-reply ng YES CC XXXX (last 4 credit card number) sa 225678, 5 calendar days bago ang due date mo.
Maaari rin na huwag mo munang bayaran ang 2 magkasunod na due dates mo mula September 15 hanggang December 31, 2020. Mako-consider na itong automatic availment ng one-time 60-day grace period.
Hindi. Ayon sa BARO Act, ang grace period ay limitado lamang sa one-time 60-day availment para sa mga due dates mula September 15 hanggang December 31, 2020.
Oo, maaari ka pa ring mag-avail ng one-time 60-day grace period ng BARO Act kung ikaw ay qualified. Ibig sabihin ang account mo ay in CURRENT status (hindi past due) before September 15, 2020.
Consumer Loans
Oo, pwede mong bayaran ang accrued interest in full pagkatapos ng 60-day grace period or on staggered basis hanggang December 31, 2020.
Ang accrued interest ay ang interest sa outstanding principal balance na naipon mula sa pinakahuling payment ng borrower.
Accrued Interest = (Outstanding Principal Balance x Interest Rate) x (61/365)
*61 days mula sa pinakahuling payment ang bibilangin na araw sa pag-compute ng accrued interest sa loob ng 60-day grace period, para sa mga borrowers na may due date na September 15 hanggang December 31, 2020.
Halimbawa, kung ang pinakahuling payment ng borrower ay noong September 16 at gusto niyang mag-avail ng 60-day grace period simula sa October 16 niyang due date, ang accrued interest na ico-compute ay mula September 17 hanggang November 16, 2020 at ito ay kokolektahin nang hiwalay pa sa monthly amortization na dapat bayaran sa December 16, 2020 na due date. Para sa term loans na may monthly repayment ng principal at interest, ang monthly amortization na dapat bayaran ng December 16 ay may kasamang interest sa principal amount mula November 17 hanggang December 16, 2020.
Para sa Home, Auto, SME and Personal Loan, mag-reply lang ng YES PN XXXXXXXXXXXX sa 225678, 5 banking days bago ang due date mo. Ang payment para sa accrued interest ng 60-day grace period ay kailangang bayaran on or before December 31, 2020. Maaari kang magbayad sa kahit saang BDO branch nationwide o sa BDO Digital Banking channels.
Kailangan ng Bangko ng five (5) banking days para ma-retrieve at i-hold ang processing ng PDCs. Dahil dito, ang iyong request ay mai-implement sa succeeding due date na.
Halimbawa: Kung ang due date mo ay October 18 pero na-inform mo ang Bangko ng October 15, 2020, ang iyong PDC ay made-deposit pa rin ng October 18. Ang grace period availment mo ay mai-implement sa next due date mo na naka-schedule ng November 18. Ang PDC mo for November 18 ay made-deposit na sa January 18, 2021 at ang PDC mo for December 18, 2020 ay made-deposit sa February 18, 2021.
Tanging ang interest lamang ang due sa outstanding principal balance ng loan facility mo. Ito ay applicable din sa lines na ang expiry ay tumapat sa 60-day grace period at nakapag-comply sa 20% principal paydown. Pero kung hindi ka pa nakapag-comply sa 20% principal paydown, ito ay magiging due din kasama ng interest sa outstanding principal balance ng loan facility mo.
Credit Cards
Oo, basta lahat ng cards mo ay in CURRENT status (hindi past due) as of September 15, 2020. Ang pag- evaluate ng eligibility ay on a per card basis.
Ang BARO Act grace period ay applicable lamang sa mga transactions na na i-post sa account mo bago mag September 15, 2020. Ang mga transactions after September 15, 2020 ay hindi na covered ng BARO Act.
Maaari mong ipa-HOLD or ipa -PROCEED ang iyong ADA scheduled payments. Kung gusto mong i-avail ang 60-day grace period, mag-reply ng YES CC XXXX (last 4 digits ng iyong credit card number) sa 225678, 5 calendar days bago ang due date mo. Kung nag-avail ka, siguraduhin lang na sapat ang funds sa iyong bank account para ma-cover ang iyong balance pagkatapos ng grace period.
Hindi, ang pag-bill ng iyong statement balance ay hindi made-delay. Binibigyan ka lamang ng 60-day extension period para ma-settle ang iyong balanse.
Hindi, ang maturity ng iyong installment transaction ay hindi extended. Ang iyong monthly amortization ay mabi-bill pa rin kada buwan.
Oo, ang mga unpaid balances mo ay maiipon at magiging parte ng outstanding balance ng iyong Statement of Account pagkatapos ng grace period.
Sa mga qualified cardholders na nagbayad ng buo at on time ng kanilang Total Amount Due sa kanilang due date bago mag September 15, 2020 (Transactors), ang Finance Charges (FC) at Late Payment Fees na na-post sa account during the grace period ay ire-reverse kapag natanggap na ang kabuuang bayad para sa Total Oustanding Balance after the grace period.
Sa mga qualified cardholders na nagbayad ng mas mababa kumpara sa Total Amount Due sa kanilang due date bago mag September 15, 2020 (Revolvers), ang Late Payment Fees at Interest on Interest (ang naipataw na interest sa iyong latest Finance Charge) ay ire-REVERSE sa susunod na Statement of Account.
Ganito ang paraan ng pag-compute sa interest on interest:
Applicable Finance Charge Rate X Finance Charge na naka post sa iyong previous statement
Oo, ang mga qualified cardholders na nag-avail ng BARO Act grace period ay pwede pa ring gumamit ng kanilang BDO Credit Cards hanggang sa available credit limit ng kanilang account.
Oo, tatanggapin pa rin ang iyong payments during the grace period at mapo-post ito sa iyong account.
BDO Unibank is regulated by the Bangko Sentral ng Pilipinas with contact number (02) 8708-7087 and with email address consumeraffairs@bsp.gov.ph,
and webchat at www.bsp.gov.ph.
BDO Unibank, Inc. © 2012. All Rights Reserved